Ang Uod
Sa lagas na dahong nasabit sa tinik
sumilang ang isang uod na maliit,
ang pinakaduya’y supot na manipis,
na uugoy-ugoy sa hanging malamig
sa bahay na yaong ulila’t mapait,
ang uod na munti’y natutuong magtiis.
Sa buntung-hininga ng katag-arawan,
ang dahong may sapot ay biglang nabuksan;
ang kawawang uod, ng aking matanaw,
ay wala ni mata, ni bibig, ni kamay
ang mahina’t malambot na kanyang katawan
at pausad-usad lamang kung gumalaw.
Mula sa ibaba ng punong mataas,
siya’y gumagapang, marahan, paakyat;
kung minsa’y halos ay malaglag;
nuni’t ang umaga, noong namumukadkad;
siya’y nasa ubod ng isang bulaklak.
Ang tao’y tila uod ding maliit,
sumilang sa isang ulilang daigdig;
kahit walang pakpak, kahit walang bagwis,
kanyang mararating kahit himpapawid
kung siya’y marunong gumawa’t magtiis…
walang karagatang hindi matatawid!
Subscribe to:
Posts (Atom)
analyze of the poem "Ang Uod"
ReplyDelete